-- Advertisements --
Nakatakdang muling buksan ang Kadiwa ng Pangulo ngayong weekend sa Intramuros , Manila.
Dahil dito ay mabibiling muli ng publiko ang mga dekalidad na local agri products ng mas abot kaya kumpara sa presyo sa mga merkado.
Katuwang ng Department of Agriculture ang Intramuros Administration sa muling pagpapatupad ng programa.
Ayon sa ahensya, ang Kadiwa ng Pangulo sa Intramuros ay magbubukas mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Kapag bumili ng kahit anong produkto mula sa Kadiwa Store , makakakuha ng libreng Tranvia tour .
Layon ng programang ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilapit sa mga Pilipino ang mura at dekalidad na mga agri products.