Magdaragdag pa ng kadiwa stores ang Department of Agriculture sa iba pang mga bahagi ng bansa.
Sinabi ni Assistant Secretary Kristine Evangelista na maliban sa binuksang Kadiwa ng Pasko sa labing isang lugar sa National Capital Region,at tatlong iba pa sa iba’t-ibang probinsiya, palalawakin pa nila ito.
Mayroon na rin aniya silang Diskwento Kadiwa, Payday Kadiwa, Kadiwa on Wheels at meron ding Kadiwa tuwing Biernes, Sabado at Linggo , at may Kadiwa rin sa mga simbahan na bukas kada linggo, gayundin sa isang kooperatiba sa Taguig City, habang tatlo naman sa bahagi ng Quezon City na bukas araw-araw.
Ayon kay Evangelista layunin nitong matulungan ang maraming Pilipino na magkaroon ng access sa murang mga produktong pang agrikultura.
Kasama aniya sa patuloy na mabibili sa mga Kadiwa ng Pasko ay ang bente singko pesos kada kilo ng bigas at lalagyan na rin ng suplay nito sa iba pang lugar ng Kadiwa stores.
Aminado si Evangelista na sadyang mataas ngayon ang presyo ng mga produktong pang agrikultura kaya habang inaayos aniya ang blue chain at ang presyo, pinalalakas nila ang Kadiwa stores.
Malaking tulong din aniya ito hindi lamang sa mga consumer kundi maging sa mismong mga magsasaka na binibigyan ng pagkakataon at lugar para maibenta ang kanilang produkto nang direkta sa mamimili nang hindi sila malulugi.