MANILA – Pinag-aaralan na rin ng mga Pilipinong scientist ang bisa ng “pigeon peas” o kadyos bilang gamot sa iba’t-ibang impeksyon sa balat.
Ibinida ni Science Sec. Fortunato de la Pena ang pag-aaral na sinimulan ng Balik Scientist na si Dr. Doralyn Dalisay sa kadyos bilang skin antibiotic.
“Dr. Dalisay embarks on the novel study of the development of kadyos as skin antibiotic entitled — Chemical and Biological Characterization of Pure and Bioactive Compounds from Kadios (Cajanus cajan) Seeds and its Topical Formulation Studies,” ayon sa kalihim ng Department of Science and Technology.
Nadiskubre raw ni Dr. Dalisay ang potensyal ng kadyos noong 2016, matapos magpagawa ng proyekto sa kanyang mga estudyante sa University of San Agustin (USA).
Pinasuri umano niya ang 20 magkakaibang butong gulay na matatagpuan sa Panay Island.
“From the 20 beans that were investigated, only the kadyos gave very promising anti-bacterial activity,” ani Dela Pena.
“Further studies were undertaken which found particular compounds that are responsible for the anti-bacterial activity.”
Nagsanib pwersa na raw ang USA, DOST-Philippine Council for Health Research and Development, at local pharmaceutical company na Maridan para makapag-develop ng “topical formulation” ng kadyos.
Ang dinevelop ng mga institusyon ay topical formulation laban sa Staphylococcus aureus, na isang uri ng organismong nagdudulot ng sakit sa balat tulad ng paso at sugat.
“…and is now found to be resistant to most of the clinically available antibiotics such as erythromycin, clindamycin and vancomycin.”
Sa ngayon pinag-aaralan pa raw ng mga dalubhasa ang natural products na mayroon ang kadyos.
Sinusubukan din umano ng grupo na suriin ang bisa ng kadyos sa iba pang katangian ng Staphylococcus aureus.
“The study is implemented under the DOST-PCHRD’s Drug Discovery and Development Program which is an identified priority thrust in the Unified Health Research and Agenda for 2017-2022. “