-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang barangay kagawad matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Clarin, Misamis Occidental.

Kinilala ni Pol. Capt. Locino Lavares, hepe ng Clarin Municipal Police Station ang biktima na si Ric Isidro Comonsad Moreno, residente ng Purok 6, Barangay Poblacion 1 sa nasabing lugar.

Ayon kay Capt. Lavares, binaril ang biktima matapos siyang bumoto sa Antero Uy Elementary School.

Dinala pa sa pagamutan si Moreno ngunit idineklara itong dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang tatlong empty shell ng .45 caliber pistol.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa posibilidad na may kinalaman sa pulitika ang motibo sa pananambang.