-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Transportation na patuloy silang  gumagawa ng mga hakbang upang magkaroon ng pangmatagalang solusyon ang lagay ng trapiko sa Metro Manila.

Ito ang ginawang pagsisiguro ni Transportation Sec. Jaime Bautista.

Kasunod ito ng naging ulat na ginawa ng Tomtom International  kung saan binanggit nito ang  Metro Manila na isa sa mga may malalang lagay ng trapiko sa buong mundo.

Paliwanag ng kalihim, isa sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para matugunan ang trapiko ay ang mga transport infrastructure project sa Metro Manila.

Dagdag pa ng opisyal na tuloy-tuloy ang kanilang paghahanap ng mabisang solusyon.

Sinisikap rin nila na matapos ng maaga ang kanilang mga transport infrastructure project sa bansa upang matugunan na ang problema sa trapiko na pahirap rin sa mga mananakay at motorista.