Naging pangunahing paksa sa United Nations General Assembly sa New York ang patuloy na nagaganap na kaguluhan sa Gaza.
Sinabi ni Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif na dapat ang mundo ay hindi lamang umupo at sa halip ay gumawa ng paraan para maresolba ang kaguluhan.
Dagdag pa nito na ito na ang pagkakataon para magkaisa ang UN member countries at pigilan ang kaguluhan.
Pinuna naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang sistema ngayon ng UN dahil sa hindi agad ito gumagalaw para mapigilan ang pagdami ng mga batang nasasawi sa Gaza.
Hinikayat nito ang lider ng mga bansa na pigilan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa pagsulong nito ng mga kaguluhan.
Sa panig ni US President Joe Biden na marapat na magkaroon ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ito na aniya ang tamang panahon para isapinal ang termino ng kasunduan at matigil na ang lumalalang kaguluhan sa Gaza.