Kinumpirma ni Islamic Jihad spokesman Musab al-Berim ng Islamic Jihad militant group na nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nito at ng Israel na tigil-bakbakan na.
Naganap ang naturang sigalot dalawang araw matapos ang karahasan sa bansa na nag-iwan ng 32 Paletinians patay.
Ayon kay Berim, pumayag ang kanilang grupo sa ceasefire matapos nilang magsumite ng listahan na naglalaman ng kanilang mga kahilingan. kasama rito ang pagpapatigil sa pagpatay sa mga Israeli maging ang pagpapalaya sa 12-taong pagharang ng Israel sa Gaza.
Noong Miyerkules nang kumpirmahin ng Israel Defense Forces (IDF) na umuulan ng rockets sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan nagpakawala ang Islamic Jihad ng projectile matapos mapatay ng Israeli military ang senior commander ng naturang terror group noong Martes.
Sinabi ni IDF spokesman Lt. Col. Jonathan Conricus na nasawi si Bahu Abu al-Ata, 42, at kaniyang asawa habang sila ay nasa kanilang bahay at mahimbing na natutulog.
Dagdag pa nito, si Ata ay responsable umano sa ilang rocket attacks na nangyari sa southern Israel at inamin din daw ng suspek na mayroon pa siyang mga pinaplanong susunod na pag-atake.
Pumalo naman sa 26 katao ang namatay sa Gaza kasama ang 7-taong gulang na lalaki at dalawang menor de edad. Higit 70 naman ang sugatan.