-- Advertisements --
Itinuturing ni South African President Cyril Ramaphosa na planado ang nangyaring kaguluhan sa kanilang bansa.
Isa rin aniya itong pagsupil sa demokrasya.
Dagdag pa nito na may mga tao sa likod ng nasabing kaguluhan na nanghikayat sa mga tao na magnakaw at maghasik ng kaguluhan.
Magugunitang sumiklab ang kaguluhan mula ng makulong ang si dating pangulong Jacob Zuma.
Pumalo na rin sa 212 ang nasawi at mayroong 800 na mga pamilihan ang pinagnakawan.