-- Advertisements --
sen bong revilla

Iginiit ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang kahalagahang maisabatas ang dagdag sahod na magpapagaan sa kakarampot na kinikita ng mga manggagawa upang makasabay sa bilis nang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Ipinaliwanag ng Senador na dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng mga basic commodities kabilang na ang produktong petrolyo, napapanahon na umano na muling himayin ang kasalukuyang polisiya upang masigurong matutulungan ang mga manggagawa.

Tinalakay ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ang isinumiteng Senate Bill No. 2018 ni Revilla na naglalayong magbigay ng across-the-board P150 dagdag-sahod sa lahat ng manggagawa ng pribadong sektor anumang rehiyon o sektor sila nagmula.

Noon pa man aniya ay walang mintis na inihahain ng mambabatas ang panukalang nagtatakda ng legislated wage increase.

Top