CEBU CITY – Isinusulong ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang Freedom of Information (FOI) Bill upang magkaroon ng transparency, accountabilty, at paghahatid ng tamang impormasyon sa mamamayan.
Sa isinagawang FOI Bill roadshow caravan sa Cebu Normal University, sa lungsod ng Cebu, sinabi ni Atty. Tristan De Guzman, ang chief ng Policy Planning, and Superior Division ng FOI, na magagamit ang naturang panukalang batas upang magkaroon ng access ang media sa impormasyon mula sa gobyerno.
Dagdag pa ni Guzman na makikita ang transparency ng mga nanunungkulang opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at madaliang access sa hinahanap na mga dokumento.
Nilinaw din ni Guzman na may mga exception ang FOI Bill gaya ng mga nakapribadong dokumento kung saan ipoproseso naman ito sa loob ng isang linggo.
Dumalo rin FOI Bill roadshow ang executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Jose Joel Egco at daan-daang mga representante mula sa iba’t ibang mga sektor.