-- Advertisements --

Pawang pagkagulat at pagkalungkot ang naging reaksyon partikular ng global pageant community kasunod ng pinaniniwalaang pagpapakamatay ni 2019 Miss USA Cheslie Kryst.

Linggo ng umaga sa New York City nang tumambad ang bangkay ni Kryst mula umano sa pagtalon sa 29th floor ng tinutuluyan niyang luxury 60-story Orion Condominium.

Chelsie Kryst 3

Ayon kay 2015 Miss Universe Pia Wurztbach, nakakapanghinayang lalo’t mabuting tao si Kryst.

Habang si 2018 Miss Universe Catriona Gray naman ay ibinahagi ang contact number ng National Suicide Prevention Lifeline.

Maging ang reigning Miss Universe mula India ay nagbahagi ng picture nila ng yumaong Miss USA na kuha nito lamang December 2021 coronation na ginanap sa Israel, at sinabing heartbreaking ang nangyari.

Chelsie Kryst 4

Sa panig ng Miss Universe Organization, devastated anila sila sa pagkawala ng “brightest, warmest, and most kind people” na kanilang nakilala.

Una nang kinumpirma ng pamilya ni Ches ang pagkamatay nito ngunit mananatili raw buhay ang al-ala hindi lang bilang Miss USA at abogada ng mga naghahanap ng social justice, kundi bilang mapagkumbaba pa rin na anak, kapatid, mentor at kaibigan.

Nabatid na walang nabanggit ang 30-year-old beauty queen sa motibo ng pagpapakamatay pero sa huling IG post kung saan siya nakasuot ng kulay itim, mapapansin ang pahiwatig ng pamamaalam nito sa caption na “May this day bring you rest and peace.”

May mensahe rin ito na ipinapaubaya nito sa kanyang ina ang lahat.

Samantala matapos ang insidente, naungkat muli sa online world ang kahalagahan ng mental health kaya tila hinala ng marami ay dumadanas ng depresyon si Cheslie.