LAOAG CITY – Magiging host ang Ilocos Norte sa kick off ceremony sa obserbasyon ng Fire Prevention Month sa Rehiyon Uno na pangungunahan mismo ng Bureau of Fire Protection- Ilocos Norte.
Ayon kay Fire Senior Inspector Ronald Castillo, ang Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection ditto sa lungsod ng Laoag, darating sa lalawigan si Regional Director Chief Supt. Rizza D. Simbajon at ang Command group ng Regional Office para pangunahan naman ang mga ilan pang aktibidad ng Fire Prevention Month.
Ilan sa mga isasagawang aktibidad ng BFP-Region 1 ay ang zumba, motorcade kung saan iikot ang mga ito sa lungsod ng Laoag at sa bayan ng San Nicolas.
Sasali rin sa aktibidad ang mga establisiyemento, barangay officials, iba’t-ibang govt agencies at mga estudyante.
Sinabi nito na sa papamamagitan ng mga ilang aktibidad ngayong araw at sa buong buwan ay maiparating sa publiko ang kahalagan nito sa pag-iwas ng sunog.
Ipapakita rin ng BFP kung paano ang pagresponde sa mga traffic accidents, medical response at mayroon pang Fire Road show kung saan ipapakita naman ang mga kagamitan sa firefighting at rope rescue.
Dagdag nito na kapag may alam ang publiko sa pag-iwas ng sunog ay hindi na maulit ang forest fire at iba pang insidente ng sunog sa Ilocos Norte sa mga nakalipas na araw.