-- Advertisements --

Mahalaga pa rin na mabakunahan ang nasa 90 percent ng populasyon para makamit ang herd immunity.

Sinabi ni treatment czar Leopoldo Vega na ito ang magiging panlaban sa banta ng Omicron coronavirus variant.

Hindi aniya kasi maiwasan ang paglitaw ng mga bagong variant ng COVID-19 at ang pagbabakuna sa malaking populasyon ng bansa ang dapat iprioridad.

Nauna ng sinabi ng Department of Health (DOH) na maari ng mabakunahan ang nasa 70 percent ng populasyon para makamit ang herd immunity.