-- Advertisements --

Ipinapaalala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga mananampatalaya ang kahalagahan ng pagdarasal.

Sa misa nito sa ginanap na Lord’s Supper ay hinugasan niya ang mga paa ng Catholic formators na sila ang mga miyembro ng simbahan na nagtuturo sa mga tao na magdasal.

Dagdag pa nito na ang pagdarasal ay isang daan ng pakikipag-usap sa Diyos.

Ngayong taon din ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ang Year of Prayer na idineklara ni Pope Francis bilang paghahanda sa Jubillee Year sa 2025.