Binigyang diin ng Department of Transportation ang kahalagahan ng proteksyon at job security ng ating mga kababayang seafarer.
Ito ang inilahad ni DOTr Undersecretary for Legal Affairs Atty. Reinier Paul Yebra na siyang nagsalita sa ngalan ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa isinagawang pagdiriwang ng Day of Seafarer, kahapon.
Ayon sa kaniya, ang nasabing selebrasyon ay hindi lamang daw upang kilalanin ang kabayanihan ng mga marino kundi pati na ang pagpapalakas ng kamalayan hinggil sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa ekonomiya at gayundin sa paghahanda sa mga darating pang hamon na maaari nilang kaharapin.
Samantala, kinilala naman ni MARINA Administrator Sonia Malaluan ang sipag at dedikasyon ng mga harbor pilot at merchant marine officer na nanumpa sa nasabing pagdiriwang.
Sinabi niya na sana’y ang nasabing selebrasyon ay magsilbing inspirasyon sakanila, kasabay ang panghihikayat nito na sana’y magtulungan ang naturang industriya upang masiguro ang masaganang kinabukasan para sa ating mga seafarer.