Binigyang diin ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang kahalagahan ng sustainable at safe air travel sa ginanap na ikatlong European Union Aviation Safety Agency forum na pinangunahan ng Civil Aviation Authority.
Sa naturang programa ay nagsilbing keynote speaker ang kalihim ng transportation.
Ayon kay Bautista, patuloy na binibigyang pansin ng kanilang ahensya ang mga naitatalang paglala sa air traffic.
Batay sa mga nakalap na datos ng International Air Transport Association, pumalo sa kabuuang 36.9% ang naging air traffic noong nakalipas na taon kung ikukumpara sa taong 2022.
Sumampa na rin aniya sa 94.1% ang global air traffic na 2x bago tumama ang COVID 19 pandemic.
Sinabi pa ni Bautista na kanilang inaasahan na magreresulta sa sa improved aviation safety at environmental sustainability ang pakikipagtulungan ng civil aviation regulatory agencies sa Europa at Southeast Asia.
Ito ay maaaring mangyari habang patuloy naman na pinalalakas ng bansa ang kanilang resilience laban sa mga problema sa rehiyon.