Tinanggihan ng Pasig RTC Branch 159 ang kahilingan o mosyon ng kampo ni KOJC Leader Pastor Apollo Quiboloy, na payagang ang pastor na magpapasok ng bisita sa ospital.
Ayon kay PNP PIO Chief PBGen Jean Fajardo, nakasaad sa inilabas na kautosan ng korte kahapon, Nov. 13, na isang tao lang ang papayagan na magbantay kay Quiboloy sa Philippe Heart Center at maging ang mga abogado nito ay hindi rin pwedeng pumasok.
Kahapon, bandang 8:49 ng gabi dinala si Quiboloy sa Philippine Childrean’s Hospital para sumailalim sa ilang tests na kinakailangan gamitan ng partikular na equipment doon at bandang 9:10 p.m ay ibinalik lang din ito sa PHC.
Sa ngayon, nasa ospital pa rin si Quiboloy, at alinsunod sa kautosan ng korte mananatili ang pastor sa ospital at ibabalik sa PNP Custodial facility sa Nov. 16 alas singko ng hapon.
Ayon kay PBGen Fajardo, may ilang medical abstract na na ipinadala sa PNP at inaantay nalang na matapos lahat ng tests para sa findings at susunod na desisyon ng korte.
Samantala, hindi naman papayagan ng pambansang pulisya na baguhin ng kampo ni Pastor Quiboloy ang detention room nito.
Normal na raw sa lahat ng selda na walang aircon at iginiit ni PBGen Fajardo na wala silang special treatment sa kahit na sino kaya hindi pwedeng baguhin ang detention room nito.