Inilabas pa ni House Deputy Majority Leader Francisco Paolo Ortega V , ang mga pangalan ng pitong iba pang mga nakatanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ng Kongresista mula sa lalawigan ng La Union na ilan sa mga pangalan na lumabasay sina Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong , Dodong S. Barok, Jay Kamote at Miggy Mango.
Sinabi ng mambabatas ang nasabing pagsiwalat niya ay maaring magamit sa impeachment ng Vice Presidente.
Dagdag pa nito na nagsumite rin ang Department of Education na pinamunuan ng Bise President noon at Office of the Vice President ng mga dokumento na mayroong maling petsa, pirma na walang pangalan at hindi mabasang mga pangalan para ma-justify ang pagpapalabas ng confidential funds noong 2022 at 2023.
Magugunitang unang lumabas ang pangalan na sina Mary Grace Piattos at Xiamoe Ocho na walang mga pangalan sa Philippine Statistics Authority.
Giit ni Ortega na hindi ito kapabayaan at maituturing na maingat na planong paglustay ng pondo ng goyberno dahil sa peke ang pangalan, liquidation at pananagutan.