-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hindi umano kahirapan at ilan pang mga suliranin ang dapat na panghawakan upang makisabay sa armadong pakikibaka at magpasailalim sa komunistang grupo, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ito ay kaugnay ng ulat ng Philippine Army na may ilang mag-aaral sa bansa ang nire-recruit ng mga New People’s Army (NPA) upang maidagdag umano sa pwersa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad, halos wala pa naman aniya sa ngayong nakukumpirmang kaso sa sinasabing recruitment sa rehiyon subalit kinakailangan pa rin umanong mag-ingat.

Dagdag pa ni Sadsad, mas mahalaga pa rin ang pag-aaral sa kahit anong bagay upang umasenso ang buhay at makaalis sa kahirapan.

Samantala, nakikiisa rin ang ahensya sa pagbabantay sa mga mag-aaral laban sa mga ganitong grupo.