-- Advertisements --
Ang kahirapan sa buhay kaya may ilang kababayan natin ang iligal na nagbebenta ng kanilang mga kidney.
Ayon kay National Kidney and Transplant Institute (NKTI)executive director Rose Marie Rosette-Liquete , na ito dapat ang pagtuunan ng pansin ng gobyerno.
Dagdag pa nito na mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay para na rin tuluyang matigil ang nasabing iligal na aktibidad.
Magugunitang sa ginawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa iligal na bentahan ng kidney na itinuro ng mga biktima na isang head nurse umano ng NKTI ang kasabwat sa nasabing operasyon.
Nakaaresto ang NBI ng tatlong suspek at siyam na biktima na iligal na nag-ooperate sa Bulacan.