-- Advertisements --
MANILA LUNETA NCR PH HIGH RISE

Inaasahan umanong lalala pa ang kahirapan sa Pilipinas dahil sa epekto ng COVID crisis.

Ayon sa inilabas na pag-aaral ng World Bank (WB), ang pagdami pa ng mahihirap na mga Pinoy ay sa kabila ng mga hakbang ng gobyerno na magpaluwal ng financial assistance at wage subsidies sa mga empleyado at negosyo.

Iniulat ni World Bank senior economist Rong Qian, sa isinagawa nilang simulation kung saan ginawang halimbawa ang dalawang buwan na walang sweldo ang mga mahihirap o vulnerable population, lumalabas ang pagtaas ng poverty rate ng hanggang 3.3 percentage points sa taong ito.

Paliwanag pa ng World Bank, ang ibinigay na tulong ng pamahalaan katulad ng social amelioration program ay pansamantala lamang dahil ang tatamaan naman nito ang ekonomiya na inaasahan na rin ang pagsadsad ng hanggang 1.9 percent ngayong taon.

“I want to make it clear that this growth projection faces a high degree of uncertainty, as the full extent of Covid impact [on] the Philippines and elsewhere remains uncertain. The growth path will depend on policy effectiveness in managing the pandemic and the speed of economic recovery,” ani Qian.

Samantala sa June 2020 Global Economic Prospects report Washington-based multilateral lender kanilang inilahad ang mga datos na sa mga bansang bahagi ng Southeast Asian economies ang kanilang forecast ay ang “Malaysia (-3.1 percent), the Philippines (-1.9 percent) and Thailand (-5 percent) are forecast to experience the biggest contractions this year.”