-- Advertisements --

Pumoste ng 23 points si Tobias Harrs upang hindi papormahin ng Philadelphia 76ers ang San Antonio Spurs, 134-99.

Nag-ambag din ng 21 points Seth Curry para itala ng Sixers ang kanilang ikalimang sunod na panalo.

Muli namang nasilayan si Ben Simmons matapos ang two-game absence dahil sa COVID-19 contact tracing at tumipa ng 14 points na may nine assists.

Sinasabing ito ang pinakamalaking lamang ng Sixers sa naging panalo laban sa Spurs.

Nagwagi pa rin ang Philadelphia kahit wala ang kanilang pambatong si Joel Embiid na dumanas ng bone bruise sa kaliwang tuhod.

Inaasahang hindi makapaglalaro si Embiid ng hanggang dalawang linggo.

Samantala, nalimitahan lamang sa 17 points sina Derrick White at Drew Eubanks na pinangunahan ang Spurs.