-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude 2.1 na lindol ang Malungon sa lalawigan ng Sarangani.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang nasabing pagyanig bandang alas 04:10 nitong Martes ng hapon sa Southwest ng naturang bayan.
Nabatid na tectonic ang pinagmulan ng naturang lindol na may lalim na 25 kms.
Bagamat hindi naramdaman ang naturang pagyanig at wala aniyang inaasahang aftershocks ay todo-alerto pa rin ang LGU-Malungon.
Una nang sinabi sa Bombo Radyo GenSan ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Jessie Dela Cruz na dahil sa sunod-sunod na pagyanig sa lugar, hindi nila maiiwasang mangamba sa posibilidad na gumalaw ang faultline sa kanilang lugar na pwedeng magresulta sa mas malakas na lindol.