Habambuhay pa ring mamahalin ni Kim Kardashian ang asawang rapper na si Kanye West.
Ito’y apat na buwan mula nang mapaulat na naghain na ito ng divorce, at kamakailan lamang nakakapagbigay ng direktang pahayag kasabay ng 44th birthday ni Kanye.
“Happy Birthday
Love U for Life! 🎈” caption nito kalakip ang kanilang larawan kasama ang mga anak.
Una nang inihayag ng 40-year-old socialite sa sariling reality show na pakiramdam niya ay “failure” at “loser” siya pero deserve ng ex-husband ang magkaroon ng misis na suportado ang lahat ng nais sa buhay.
“When you break up with somebody, you’re like: Yeah, that didn’t work. When you get divorced, you’re like: I’m the biggest failure. This is the biggest failure. It’s so shameful and hard to actually go through that, even privately,” emosyonal nitong pagbabalik-tanaw.
Ang paghain ng divorce ni Kardashian ay kasunod ng kabiguan ni West sa kanyang US presidential bid.
Taong 2014 nang ganapin ang engrandeng pag-iisang dibdib ng dalawa at biniyayaan ng apat na anak na mayroong unique o kakaibang mga pangalan. Ito ay sina North (panganay na babae noong 2013), Saint (2015), Chicago (2018), at si Psalm (2019).
“Irreconcilable differences” ang nakasaad sa divorce papers at nagkasundo naman sila sa joint custody sa mga anak, habang wala nang habol sa ari-arian ng bawat isa.