-- Advertisements --
Wala umanong problema ang Senado kahit sino pa ang maupo na speaker ng House of Representatives.
Ito ang reaksiyon ni Senate President Tito Sotto matapos na mamagitan na rin kagabi sa Malacanang ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Rep. Lord Allan Velasco.
Ayon kay Sotto, makikipagtulungan ang Senado sa Kamara lalo na kung parehas naman ang mga pananaw at adhikain sa mga prayoridad na panukalang batas.
Habang inaantay ang sinasabing “term-sharing agreement” sa pagitan nina Cayetano at Velasco, isinulong naman ng Senate president na sana magkaroon ng “mini Legislative-Executive Development Advisory Council” (LEDAC) para mapabilis ang pagpasa sa mga kakailanganing batas para sa bayan.