-- Advertisements --

Sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang kahon-kahon ng mga ilegal at pekeng sigarilyo sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon, Lunes.
Nasabat ang mga nasabing kontrabando noong nakaraang taon mula sa isang shipment sa Subic, Zambales, na unang dineklarang mga tela.
Pero nang silipin ay mga pekeng sigarilyo at mga damit umano pala ang nasa loob.
Hinahanda na ang kasong isasampa sa consignee ng nasabing container na napag-alamaang nakatira rin sa Zambales.
Ilan sa mga kasong isasampa ang paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Magugunitang noong nakaraang araw ay aabot sa halos P32 milyong halaga ng mga peke at hindi rehistradong mga gamot at health product ang nakumpiska ng BOC sa isang lugar sa Sta. Cruz, Manila