-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sinunog ng mga otoridad ang mga nakompiskang kahon-kahong illegal firecrackers na ipinuslit sa Sasa port dito sa lungsod ng Dabaw.

Inihayag ni BOC port of Davao District collector Atty Erastus Austria halos 1,000 kahon ng imported na mga paputok ang nasawata ng kanilang mga tauhan kasama ang mga personahe ng Davao city Police office, at ng Davao City Explosive Ordinance and Canine (EODK9) Unit.

Ang naturang mga kontrabando ay na-una nang ideneklatra ng consignee bilang mga cleaning balls, plastic craft, flashlights at plastic coverings.

Dagdag pa ni Erastus hindi na nila ito inimbak ng matagal sa kanilang opisina at kaagad na sinira sa pamamagitan ng pag-sunog upang maiwasan ang posibling mga pagsabog.

Malaking bagay na umano ang pagka-kompiska ng naturang mga illegal na paputok upang hindi na ito makalusot sa lokal na merkado lalo pat nalalapit na ang kapaskuhan at bagong taon.