KORONADAL CITY – Inaalam pa sa ngayon ang kabuuang halaga ng kahon-kahong mga pekeng sigarilyo at katol na nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-North Cotabato.
Ayon sa CIDG-North Cotabato, nakumpiska ang mga kontrabando sa ginagawang bagsakan ng mga suspek sa Barangay Sibsib, bayan ng Tulunan.
Kasabay nito, naaresto ang mga suspek na sina Johnny Pacal, 45; Elfrance Necor, 22, kapwa nakatira sa Barangay Bagontapay Mlang; at Jeffrey Orong, 23, taga La Esperenza, Tulunan.
Ayon sa mga otoridad, nagsagawa umano sila ng operation kontra sa iligal na droga at illegal numbers game na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlo.
Napag-alamang binebenta ng mga ito ang mga pekeng sigarilyo at katol sa halagang P30 bawat pakete.
Samantala, pinabulaanan din nito ang una ng lumalabas na ulat na umano’y nakipag-areglo sila sa pagitan ng tanggapan ng CIDG pero sasamapahan sila ng kaukulang kaso.