Inaasahang darating sa pilipinas ang 7-foot-3 basketball prodigy na si Kai Sotto upang maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.
Ang 19-anyos na na si Sotto ay una nang pumirma sa koponan na Adelaide Tigers na naglalaro sa Australian professional league ay kinailangan munang sumailalim sa RT-PCR test sa Amerika lalo na at magkakaroon siya ng stop over sa Japan.
Gayunman inaasahang hindi na siyang makakasama sa training ngayon ng Gilas cadets sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna bunsod ng mahigpit na protocols at sasailalim pa siya sa 14 na araw na quarantine.
Ang prestihiyosong torneyo ay sa itinakda sa June 16 hanggang June 20.
Dalawang beses ang laro ng Pilipinas sa karibal na Korea at isabang beses naman sa Indonesia.
Isang panalo na lamang ang kailang ng Pilipinas upang umusad.
Kung sakaling hindi makahabol sa Clark bubble si kai Sotto, sigurado namang makasama siya sa final Olympic Qualifying Tournament ng Gilas na gagawin sa Serbia sa June 29.