-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Time-out muna ang 7 feet 2 inches na player ng Gilas Pilipinas at Adelaide 36ers ng Australian National Basketball League (NBL) na si Kai Sotto matapos maispatang nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Sa mga larawang ibinahagi ni Sotto sa kanyang social media account, kasama nitong nagbakasyon ang kanyang mga pinsan.

Makikitang todo enjoy ang mga ito sa pamamasyal sa ilang tourist spot gayundin ang paliligo sa dagat.

Sinubukan rin ng basketball player ang patok sa mga turistang hair braiding habang nakabakasyon sa isla.