Hindi na nakasama si Kai Sotto sa dadaluhang pocket tournament ng Gilas Pilipinas sa China.
Sinabi ni Gilas Pilipinas Team Manager Butch Antonio, na iniinda pa rin ng 7′-3″ na basketball player ang kaniyang injury sa likod.
Lalahok kasi ang Gilas sa WUS Internationalt Basketball Tournament sa China kasama ang Senegal bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup na gaganpin sa bansa.
Nagtungo na sa China ang Gilas kung saan ayon sa kampo ni Sotto na pagtutuunan muna nila ng pansin ngayon ang paggaling nito.
Magsisimula ang laro nila sa China sa Agosto 2 kung saan makakaharap nila ang Iran sa Agosto 3.
Makakaharap naman ng Gilas ang Senegal sa Agosto 4 at ilang mga koponan sa Agosto 6-7.
Inaasahan naman sa Agosto 6 ang paglahok ni NBA star Jordan Clarkson.
Ilan sa mga manlalaro na bumiyahe na patungong China ay sina Dwight Ramos, Jamie Malonzo, Junemar Fajardo, Japeth Aguilar, AJ Edu, Calvin Oftana, Chris Newsome, Ray Parks Jr., CJ Perez, RR Pogoy,at ang magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena.