-- Advertisements --

Hindi pa matiyak ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes kung kailan tuluyan nilang makakasama sa ensayo si Kai Sotto.

Sinabi ni Reyes na mula noong Hulyo 19 ng dumating sa bansa ang 7-foot-3 player ay hindi pa nila ito nakakasama sa ensayo.

Nasuri na rin siya ng kanilang team doctor at walang anumang nakitang problema sa kaniyang katawan.

Hinihintay pa nito ang resulta ng kaniyang MRI para malaman ang kalagayan ng kaniyang lower back.

Sa ngayon aniya ay hindi na muna nila iniisip si Sotto at pinagtutuunan niya ng pansin ang mga manlalaro na kasalukuyan nilang kasama sa ensayo.