-- Advertisements --

Muling hindi makakasama sa laro ng Adelaide 36ers si Filipino basketball player Kai Sotto.

Mananatili kasi itong nasa bench ng koponan sa pagharap nila laban sa Tasmania Jackjumpers sa Australian Basketball League sa Disyembre 9.

Ito na ang pangatlong sunod na laro na hindi sumabak ang 18-anyos na si Sotto dahil sa injury sa tuhod.

Wala pa ring panalo ang 36ers matapos na mabigo ang mga ito sa dalawang naunang laro.