Inanunsiyo ngayon ng higanteng Pinoy player na si Kai Sotto ang kanyang hangarin na maging NBA player matapos kumpirmahin na sasali siya sa 2022 NBA Draft.
Target ng 7’3″ center na maging kauna-unahang full pledge player sa NBA na may dugong Pinoy.
Kung maalala ang Filipino-American player ng Utah Jazz na si Jordan Clarkson ang ina ay isang Pinay.
Gayunman, may lumabas na report na nitong nakalipas pa na Abril 24 ang deadline sa NBA draft list.
Sinasabing mula sa 283 players na kasama sa pang-unang listahan, nasa 247 dito ay mula sa college habang umaabot naman sa 36 ang mga international players na tatangkaing makasama ang kanilang pangalan sa annual rookie selection.
Sa kanyang statement ipinaabot ni Kai ang pagpapasalamat sa kanyang team sa Australia na Adelaide 36ers na inabot din siya ng isang taon bilang isang professional player.
Kung maalala bago lamang kinilala sa liga sa Australia si Kai bilang “Fans MVP.”
Kasabay nito, nanawagan naman siya ng dasal sa kanyang mga kababayan upang maabot na rin ang kanyang pinakamimithing pangarap na maging NBA star.
“I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray for and support me during my quest to fulfill my ultimate dream,” ani Sotto sa statement.
Si Kai ay 19-anyos (born May 11, 2002) pa lamang at dating naging player ng Gilas Pilipinas.
Ang ama ni Kai na si Ervin Sotto, at ang kanyang ninong na si Ranidel de Ocampo ay dating mga NBA players.
Naging MVP rin si Kai sa finals noong miyembro pa lamang siya ng junior team ng Ateneo.
Naglaro din siya sa NBA G League bago napunta sa Australia.
Sinasabing apat na taong gulang pa lamang nang magsimula na sa paglalaro ng basketball si Sotto.
Itinuturing naman niyang mga idol ang mga basketball stars na sina June Mar Fajardo, Tim Duncan, at Kristaps Porziņģis.