Kumpirmadong napunit ang arterior cruciate ligament (ACL) si Gilas Pilipinas star player Kai Sotto.
Natamo nito ang nasabing injury sa pagkatalo ng kaniyang koponan na Koshigaya Alphas sa Sea Horses Mikawa ng Japan B.League nitong Linggo.
Lumipad patungo sa Tokyo ang 7-foot-3 Gilas center p ara sumailalim sa MRI ng kaniyang kaliwang tuhod.
Sinabi ng 22-anyos na dating Ateneo high school star na ito na ang maituturing na pinakamadilim na bahagi ng kaniyang basketball career.
Mayroon itong average na 13.8 points na 52 percent shooting, 9.6 rebounds, 2.0 assists at 1.1 blocks mula sa unang taon nito nsa Koshigaya.
Dahil dito ay hindi ito makakapaglaro ng hanggang anim na buwan at hindi makakasama na rin sa February window ng 2025 FIBA Asia Cup qualifiers kung saan makakaharap ng Gilas ang Chinese Taipei at New Zealand.