-- Advertisements --

Interesado pa ring maglaro sa Gilas Pilipinas si 7-foot-3 center Kai Sotto.

Ito ay matapos na hindi nakasama sa katatapos na last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers dahil sa nakapirma na ito ng kontrata sa Japaneses Basketball League.

Sinabi nito ang paglalaro niya sa Japan Basketball league ay hindi hahadalang sa paglalaro nito sa Gilas.

Paglilinaw niya na matatapos ang dalawang buwan niyang paglalaro sa Japan ng hanggang Mayo kaya maari itong makasali sa pagsabak ng Gilas sa FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto.

Hindi naman nagbigay pa ng katiyakan si Sotto kung makakasama siya sa national basketball team ng bansa sa pagsabak naman nila sa Southeast Asian Games sa buwan ng Mayo sa Cambodia.