-- Advertisements --

Walang balak si Kai Sotto na itigil ang kaniyang paglalaro sa NBA.

Ito ay kahit na hindi gaano nakapaglaro sa NBA Summer League ng koponang Orlando Magic.
Ayon sa 7-foot-3 na si Sotto na magbabalik pa rin ito sa NBA para makapaglaro.

Sa kaniyang social media account sinabi nito na kahit na anong pagkakamali at mabagal man ang progreso ng paglalaro ay abanse pa rin ito sa mga taong hindi sumubok.

Nagpapasalamat pa rin ito sa mga oportunidad na dumating at biyaya kahit na anumang resulta ang lumabas.

Magugunitang hindi naka-bangko lamang si Sotto sa unang tatlong laro ng Magic.

Nakapaglaro lamang siya ng makaharap nila ang Portland Trail Blazers kung saan nakapagtala ang 21-anyos na si Sotto ng 6 points, apat na rebounds, isang assists at tatlong blocks.