Maaring makapaglaro na si Gilas Pilipinas player Kai Sotto sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifiers kontra sa Brazil.
Kasunod ito na nagtamo ng injury noong laban ng Gilas kontra Georgia.
Sinabi ni Gilas Pilipinas team manager Richard Del Rosario na walang anumang nakitang sakit sa resulta ng X-ray ni Sotto.
Nakuha ni Sotto ang injury ng magkabuno sila ni Joe Thomasson ng Georgia sa second quarter.
Mula noon ay hindi na nakabalik sa paglalaro si Sotto dahil sa kirot na narasan.
Mahalaga ang presensiya ni Sotto sa laban nila ng ranked number 12 na Brazil habang ang Pilipinas ay nasa ranked 37.
Wala kasing manlalaro ng Brazil na mas matangkad pa kay Sotto na ang matangkad nilang manlalaro ay nasa 6-foot-9.
Noong laban ng Gilas Pilipinas sa Latvia kasi ay nagtala ng 18 points.