Kinumpirma ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makakasama nila sa kanilang ensayo sa Pilipinas sa susunod na linggo na si Kai Sotto.
Sinabi ni Reyes na nagkausap na sila ng 7-foot-3 na si Sotto kung saan inaasahan na sa darating na Hulyo 18 ay babalik na sa Pilipinas ito.
Ang nasabing pagsama ng 21-anyos na si Sotto sa ensayo ng Gilas ay magbibigay sa kaniya ng familarization bilang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup sa buwan ng Agosto.
Nakatakda rin kasi magtungo ang Gilas sa unang linggo ng Agosto sa China para magkaroon ng mini pocket tournament laban sa Lebanon, Iran at Senegal.
Magugunitang sa unang pagkakataon na naglaro si Sotto sa NBA Summer League sa koponan nitong Orlando Magic laban sa Boston Celtics ay nakapagtala ito ng six points, apat na rebounds at tatlong blocks.