Maaari ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.
Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.
Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.
Ang dalawa rin ay dumalo sa ensayo ng Gilas Pilipinas na ginanap sa Laguna.
Nagtamo ang dalawa ng injury sa kanilang paglalaro sa mga koponan sa Japan B. League.
Magpapahinga muna ngayong araw ng Lunes ang Gilas at magsasagawa sila ng dalawang araw na ensayo bago ang kanilang laban sa Huwebes laban sa New Zealand sa lungsod ng Pasay atsa araw naman ng Linggo ay makakaharap nila ang Hong Kong.
Kapwa mayroong dalawang panalo at isang talo ang Gilas Pilipinas at New Zealand.