Hindi makakasama ng Gilias Pilipinas si Kai Sotto sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa Pebrero 24.
Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na mayroong pang mga commitment ang 19-anyos na si Sotto sa Australia kung saan naglalaro ito bilang import ng Adelaide 36ers sa National Basketball League.
Dahil dito ay sa susunod na taon na lamang makakasama ng Gilas si Sotto.
Magiging host kasi ang Pilipinas ng World Cup kasama ang bansang Japan at Indonesia.
Unang naglaro si Sotto noong 2021 FIBA Asia Cup Qualifier kung saan nagtala ito ng 9.3 points, pitong rebounds at 1.3 assists sa tatlong laro.
Kahit na hindi makakasama ang 7-foot-3 player ay mayroong ilang manlalaro ang kasali gaya nina Ange Kouame, Tzaddy Rangel, William Navarro, Jaydee Tungcab, Juan Gomez de Liano at Dwight Ramos.
Makakaharap ng Pilipinas ang South Korea sa Pebrero 24 habang ang India ay sa 25 at New Zealand sa 27 sa Araneta Coliseum.