-- Advertisements --

Nagpahayag ng kasabikan si Kai Sotto na makasama si Gilas Pilipinas coach Tim Cone.

Nasa bansa na ang 7-foot-3 player para makasama ng Gilas Pilipinas sa kanilang training sa paglahok ng bansa sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Hindi na kasi nakasama si Sotto sa Gilas Pilipinas noong Oktubre ng simulan ni Cone ang pag-coach kung saan nagkampeon ang bansa sa Asian Games.

Matapos kasi ang paglalaro ni Sotto sa Gilas noong FIBA World Cup ay kinailangan nito ng bumalik sa Japan para sa B. League club na Hiroshima kung saan ito ay nakakontrata.

Sinabi nito na 100 porsyento na itong handa at tiniyak niya na malusog ito para sa nasabing pagsabak ng Gilas sa laro.