-- Advertisements --

Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark.

Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7-foot-4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas.

Umaasa naman si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the President Ryan Gregorio na makakapaglaro na si Sotto.

Wala pa kasing katiyakan ang 19-anyos na si Sotto na makakasama dahil kagagaling lamang nito sa 14-day quarantine kung kaya’t kailangan pang-i-evaluate ang kaniyang sigla.

Dagdag pa nito, nakausap na niya si Gilas coach Tab Baldwin at ayaw nilang makompromiso ang kalusugan nito dahil sa tagal ng hindi paglalaro habang nasa quarantine.

Nakatakdang makaharap ng Gilas ang Korea sa MIyerkules at Indonesia naman sa Biyernes habang babalik na makakaharap ng mga Pinoy ang Korea sa araw ng Linggo.