-- Advertisements --

Tiniyak ngayon ni 7-foot-3 na si Kai Sotto na maglalaro pa rin siya sa ilalim ng bandila ng Pilipinas kahit pumrima na riya ng dalawang taon na kontra sa isang team sa Australia.

Ang pangalo ni Sotto ay kaugnay sa magaganap na Olympic Qualifying Tournament sa darating na Hunyo at sa Fiba Asia Cup nito ring taon.

KAI 4

Una rito, inanunsyo rin ng Adelaide 36ers na kanilang kinuha ang Pinoy teen sensation para maglaro sa National Basketball League sa Australia.

Hudyat rin ito na paghiwalay ng 19-anyos na si Sotto sa Team Ignite na naglaro sa NBA G League.

“Next step on my journey this year. See you soon Australian,” ani Sotto sa kanyang twitter account.

Ayon kay Sotto, excited siya na maging bahagi ng national team ng Pilipinas kung saan inaasahang makakasama niya ang ilang mga professional players mula sa PBA.