Umagaw ng atensiyon ang ipinakitang solid performance ng Pinoy 7-footer na si Kai Sotto matapos na pahiyain ng kanyang team na Adelaide 36ers ang powerhouse NBA team na Phoenix Suns, 134-124.
Sa kabuuan ng kanyang 18 minutes na paglalaro nagpakawala si Sotto ng dalawang dunks, tumipon ng 11 points, dalawang rebounds, dalawang steals at isang assists.
Nagawa ring matulungan ni Sotto ang team para agad na pomoste sila ng 16-point lead, gamit ang free throws.
Uminit din ng husto sa three point area ang mga kasama ni Sotto upang walisin ang pagtatangka ng Phoenix.
Nanguna sa diskarte ng 36ers ay ang import na si Craig Randall II na kumamada ng 35 upang gulatin sa three-point area ang dating NBA runner-up na Suns.
Medyo inalat ang mga Suns superstar na sina Devin Booker na umiskor ng 13 points sa 5-of-8 shooting, habang ang veteran na si Chris Paul ay meron lamang six points at 12 assists.
Batay sa record ang Adelaide 36ers ang unang non-NBA team na nanalo sa isang NBA pre-season game mula nang ginawa rin ito ng Fenerbahce laban sa Brooklyn Nets noon pang October taong 2015.