NAGA CITY – Dapat aniya na maging bukas ang kaisipan ng mga kabataan hinggil sa konsepto ng climate change.
Ito ang ipinunto ni ni Dr. Aries Ativo, isang environmentalist at director ng reseach division sa Central Bicol State University of Agriculture sa panayam ng Bombo Radyo Naga.
Mababatid na malaking hamon sa ngayon sa buong daigdig ang malawakang pagbago ng klima na pwedeng magdala ng malaking epekto sa mga tao sa mga susunod na taon.
Ayon kay Dr. Ativo, tulad ng pamosong kasabihan ni Gat Jose Rizal na ang “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan,” mayroon ding malaking papel ang mga kabataan sa usapin sa climate change.
Dapat din aniya na maintindihan ng mga kabataan ang konsepto hinggil sa problemang dala ng climate change tulad na lamang ng mga simpleng paraaan upang mapahina ito.
Isa sa mga ipinunto ng director ang tamang pag-segregate ng mga basura, malabanan ang polusyon at ang tamang pagtatanim at pag-aalaga ng mga puno.
Dagdag pa ni Dr. Atibo, bilang isa sa pinamanahan ng kalikasan, kailangan din na isipin ng lahat na ang lahat ng ito ay hiram lamang sa susunod na henerasyon.
Sa paraan aniya ng paghulma sa mga kaisipan ng mga kabataan mabibigyang importansya ng mga kabataan ang hinggil sa climate change.
Mababatid na nagkasundo ang mga world leaders na tapusin na ang deforestation pagdating ng 2030 matapos itong mapag usapan sa isinasagawang 2021 United Nations Climate Change Conference o COP26.