-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni komedyanteng si Kakai Bautista na gumaling na ito mula sa COVID-19.

https://www.instagram.com/p/CE-4hzLHISD/

Sa kaniyang social media nagpost ito ng video na may caption na graduate na ito sa COVID University matapos ang 14 araw.

Sinabi nito na nagpositibo ito sa virus kahit na asymptomatic at ipinagpasalamat na lamang niya na nagnegatibo na ng muling sumailalim sa testing.

Dagdag pa nito na hindi biro ang nasabing virus dahil magiging kalaban mo ang takot at pagkabahala.

Pinayuhan niya ang mga social media followers na ipagdasal na lamang ang mga tao na dinapuan ng sakit.