-- Advertisements --

Naibenta sa auction sa halagang $2.7 milyon ang isang bote ng Scotch whisky.

Ayon sa Sotheby’s auction sa London na ang Macallan 1926 ay isa sa 40 na bote na inalis mula sa sherry cask ng 60 taon.

Ito na ang itinuturing na pinka-vintage na Macallan na nagawa.

Unang inaasahan kasi ng Sotheby na mabibili lamang ito ng halos $1 milyon subalit laking gulat nila ng may bumili ng $2.1-M.

Bago ang nasabing pagbebenta ay sinabi ni Sotheby’s head of whisky Jonny Fowle na knaiyang natikman ang isang patak na sample ng alak at sinabing malalasahan ang mga dried fruits, medyo may anghang at lasang kahoy na maituturing na “incredible” whisky na hindi basta balewalahin.

Ang 40 bote ay inilagay noong 1986 na hindi ibinenta at sa halip ay ibinigay lamang sa mga pangunahing kliyente ng ng kumpanya.