LEGAZPI CITY – Naitampok sa Magayon Exotic Pet Expo 2 ang ilang mga kakaibang alaga sa lungsod ng Legazpi bilang bahagi ng pagdiriwang ng Magayon festival.
Kabilang sa mga kakaibang alagang hayop na ipinakita sa publiko ang makukulay na mga ahas, mga butiki, tuko, bearded dragon, beta fish, pagong at iba pa.
Ayon kay Albert Espiritu, isa sa mga exotic pet owner sa naging panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kahit naiiba ay malaki pa rin angkasiyahan na hatid ng kanilang mga alaga.
Maliban sa nakaka-relax umano ay madali pang alagaaan ang mga ito dahil hindi magastos sa pagkain at agaw atensyon pa.
Aminado si Espiritu na malaking kasiyahan ang nararamdaman niya tuwing nai-intriga ang ibang tao sa kakaiba nilang mga alagang hayop.
Unaasa ito na sa tulong ng kaparehong mga aktibidad ay mas maipapa-unawa sa publiko na hindi peste ang exotic pets at hindi dapat katakutan ang mga ito.