-- Advertisements --

Magkakaroon ng mga kakaibang show na matutunghayan ng mga mamamayan sa Philippine International Hot Air Balloon Fiesta (PIHAF) sa New Clark City sa Capaz, Tarlac simula Pebrero 16 hanggang 18.

Ilan sa mga ito ay ang exhibition ng Jet Para Hawks mula sa United Kingdom.

Ito ang kauna-unahang jet-powered paramotor display team.

Magsasagawa ang grupo ng action-packed stunts habang nasa kalawakan na makikita lamang sa mga pelikula.

Pangungunahan ito ng kilalang film stund coordinator na si Alan Hewitt.

Ang Hollywood stunt coordinator ay nakatrabaho na ang ilang mga sikat na artista gaya nina Tom Cruise.

Kasama rin na matutunghayan ang sikat na Global Star Pilots na magsasagawa ng mga serye ng airshows.

Sa unang pagkakataon isasagawa rin sa nasabing okasyon ang drone race.

Sinabi ni event director Captain Joy Roa na kada taon ay may mga pagbabago na matutunghayan ng mga dumadalo sa taunang Hot Air Balloon.